Partylist Name: Bisaya Gyud (BG) Partylist
Year Established: 2022
Tagline:
• "Bantay at Gabay ng Bawat Pilipino"
• “Isang Diyos, Isang Lahi, Isang Bansa”
• “One God, One People, One Nation”
Ang Bisaya Gyud Partylist ay itinatag noong 2022 upang maggsilbing Bantay at Gabay ng bawat Pilipinong nagnanais makamit ang tunay na kalayaan, katarungan, kapayapaan, at kaunlaran tungo sa malinis na pamahalaan at masayang pamilya.
Advocacy/Adbokasiya:
Ang Bisaya Gyud (BG) Partylist ay nagsusulong ng mga karapatan at kapakanan ng mga sektor na napabayaan, lalo na ang mga Bisaya, katutubo, at mga mahihirap. Kami ay nakatuon sa paglaban para sa katarungan, kapayapaan, at upang itatag ang isang malinis na pamahalaan na tunay na naglilingkod sa mga tao. Ang aming boses sa Kongreso ay dedikado sa pagpapalakas ng bawat Pilipino, pag-aangat ng ating mga komunidad, at pagtitiyak na ang mga susunod na henerasyon ay makikinabang sa isang makatarungan, mapayapa at maunlad na lipunan. Kami ay naniniwala na ang bawat Pilipino ay may karapatang magkaroon ng mas maginhawa at masayang buhay, at ito ang aming magiging pangunahing layunin sa pagsisilbi.
Vision/Ambisyon:
Isang Pilipinas kung saan ang bawat mamamayan ay may pantay na oportunidad sa pag-unlad, sapat na seguridad sa pagkain, at karapatang makamit ang katarungan at kalayaan. Isang bansa na tunay na nagtatamasa ng seguridad, kapayapaan at kaunlaran, at kung saan ang karapatan ng bawat Pilipino ay ganap na iginagalang.
Mission/Misyon:
Bantay at gabay ng bawat Pilipino sa pagsulong ng tunay na katarungan, kalayaan, kaseguruhan, kaunlaran at kapayapaan. Ang layunin namin ay magsulong ng mga programang magbibigay ng mas magandang buhay sa mga Bisaya, katutubo, at lahat ng Pilipino sa pamamagitan ng makatarungan, maayos, at malinis na pamamahala.
Core Values:
1. Katarungan – Pagtataguyod ng tunay na katarungan para sa bawat Pilipino.
2. Kalayaan – Pagsusulong ng kalayaan sa ilalim ng tamang batas at moralidad.
3. Seguridad, Kaunlaran at Kapayapaan – Pagpapalakas ng seguridad, pagpapaunlad ng ekonomiya tungo sa kapayapaan at kaayusan ng bansa.
4. Serbisyo – Pagbibigay ng malasakit, mabilis at tamang serbisyo sa bawat Pilipino at bayan.
5. RoC n RoL – Ipamuhay ng bawat Kristiyanong Pilipino ang Regime of Christ and Rule of Law (RoC n’ RoL), igalang ang paniwala ng ibang relihiyon, at ipatupad ang tamang moralidad ayon sa prinsipyo ng “Isang Diyos, Isang Lahi, Isang Bansa.
2024 All Rights Reserved. Powered by Powered by Exodous I.T. Solutions & Jetzsolutions